PAWD
Rango fecha
-

Bacolod, Philippines

Ikinagagalak ianunsyo ng Molecor SEA ang pakikilahok nito sa ika-46 na National Convention ng Philippine Association of Water Districts (PAWD) na magaganap sa Pebrero 28, 2025, sa SMX Convention Center sa lungsod ng Bacolod, Philippines. Magtitipon-tipon sa inaabangang kaganapang ito, na inorganisa ng ANOWD, ang mga lider ng industriya, eksperto at interesadong partido para talakayin ang mga pagsulong sa mga serbisyo at imprastraktura ng tubig.

Bilang nangunguna sa buong mundo sa teknolohiya ng Molecular Orientation ng PVC (PVC-O), nangangako ang Molecor SEA na mag-alok ng inobatibo at sustainable na solusyon para sa pamamahala ng tubig. Sa panahon ng pagtitipon, ipapakilala namin ang aming mga pinakakilalang produkto:

  • Mga TOM® Oriented PVC pipe - Kilala dahil sa pagiging natatangi nito sa tibay, husay at sustainability, ang mga tubong TOM® ay nakahihigit sa tibay para sa mga koneksyon sa distribusyon ng tubig.
  • Mga PVC-O fitting na ecoFITTOM® - Ang mga pinakaunang fitting na na-manufacture nang kasabay sa PVC-oriented sa buong mundo, na dinesenyo para pahusayin ang pagiging maaasahan at nagtatagal ng mga sistema ng distribusyon ng tubig.

Inaanyayahan namin ang lahat ng dadalo sa technical seminar na isasagawa ng Molecor SEA sa Pebrero 28 nang 10:35 AM sa Function Room 3, kung saan naroroon ang aming team ng mga eksperto na handang magbigay ng impormasyon tungkol sa mga bentaha ng PVC-O at kung paano maaaring makatulong ang TOM® at ecoFITTOM® na pahusayin ang imprastraktura ng distribusyon ng tubig sa buong Pilipinas, at may isasagawa ring mga demo at sasagutin ang anumang katanungan ng mga dadalo.

Samahan kami sa ika-46 na National Convention ng PAWD sa aming patuloy na pagsuporta sa pagsulong ng mga mahuhusay at sustainable na solusyon para sa paghahatid ng tubig sa rehiyon.

PAWD